Muling itayo ang iyong bahay
Sunog sa Los Angeles Ngayong 2025

Alamin ang tungkol sa muling pagtatayo ng iyong ari-arian pagkatapos ng mga sunog.

Suriin ang iyong bahay

Mga mapa ng pinsala sa sunog

Gamitin ang mga mapa ng pinsala mula sa mga sunog sa Palisades at Eaton upang suriin ang katayuan ng iyong ari-arian.

Sinuri ng mga tagasuri ng gobyerno ang lahat ng mga tahanan sa mga lugar na nasunog. Sa bawat tahanan, makikita mo ang isang larawan at isang icon na may isa sa mga status na ito:

  • Walang pinsala
  • Apektado
  • Maliit na pinsala
  • Malubhang pinsala
  • Nawasak
  • Hindi ma-access (hindi makapasok ang mga tagasuri sa ari-arian upang suriin ang pinsala)

Kung ang iyong tahanan ay nasira, i-save ang isang kopya ng larawan mula sa mapa ng pinsala. Maari mo itong magamit kapag nag-file ka ng insurance claim.

Mga access pass

Lahat ng mga lugar ay nalinis para sa access ng mga residente lamang. Maaaring kailanganin mong magkaroon ng access pass upang makapasok sa iyong kapitbahayan. Maaari kang makakuha ng isa nang personal sa isang Disaster Recovery Center.

Maghain ng mga claim sa insurance

Kung mayroon kang insurance, maghain ng claim ngayon.

Panatilihin ang talaan ng lahat ng iyong mga gastos sa pagbawi, kabilang ang mga gastos para sa pansamantalang pabahay.

Kumuha ng tulong sa mga claim sa insurance:

Makakuha ng pera para muling magpatayo

Matapos mong maghain ng mga claim sa insurance, maaari kang maging karapat-dapat para sa karagdagang tulong pinansyal upang matulungan kang muling magpatayo.

Alisin ang mga debris

  • Ang paglilinis at pag-aalis ng debris pagkatapos ng mga wildfire ay isang 2-phase na proseso. Maaari mo itong gawin nang walang gastos sa iyo.
  • Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aalis ng debris, mga hakbang na kailangan mong gawin, at kung paano makakuha ng tulong.

Mag-hire ng kontratista

Mag-apply para sa mga permit

Maghanap ng One-Stop Permit Center

Calabasas One-Stop Permit Center

26600 Agoura Rd. #110
Calabasas, CA 91302

Altadena One-Stop Permit Center

464 W Woodbury Rd. Suite 210
Altadena, CA 91001

Alamin ang higit pa tungkol sa One-Stop Permit Centers at hanapin ang mga oras ng pagbubukas. Malugod na tinatanggap ang mga walk-in. Maaari ka ring mag-iskedyul ng appointment.